
Had just watched A Werewolf Boy starring Song Joong Ki (the ever so cute guy from Sungkyunkwan Scandal) and Park Bo Young (a newbie actress, I think). Grabe lang. Binabasa ko pa lang yung synopsis kanina, feel na feel ko na talaga itong film na ito. What caught my attention is my familiarity to Song Joong Ki and his role as a wolf boy here. Even though I got a hard time looking for a site to stream a vid of this, I was eager and patient and I must say, the time paid off. At dahil sa isa akong hopelessly love-headed girl these past few weeks, talagang natouched ako sa movie na ito kasi merun silang chemistry ni Bo Young. At saka, ang gagaling ng acting nila. Yung aura nababalot ng innocence ng isang 'half human, half werewolf' na walang alam sa kilos ng isang tao. Pero kahit ganun pa man, napakalaki ng puso niya para sa taong nagkupkop, nag-aruga, at kumalinga sa kanya. I just hate the villains here. That annoying bastard, errr! Basta, loves ko si Cheul-Soo ditoooo. And who is he? Si Wolf Boy lang naman, wala ng iba. Hihi! :'''>

Ang galing nga nang pagkakabuo ng story na ito. Si Cheul-Soo na isang malakas at mapagmahal na nilalang, at si Suni na isang babaeng mahina at parang nawawalan na ng pag-asa sa buhay niya. For me, they gathered strength from each other. At kung ako man nasa lagay ni girl, hinding-hindi ko iiwan ni lalayuan si Cheul-Soo kasi napakabusilak ng puso niya. Huuuu. Hindi talaga ako makaget-over dito! :')
At sa part na yan ^, talaga namang durog ang heart ko kasi pinipigilan ni Cheul-Soo ang sarili niya na lapitan si Suni (kasi nga naman, kikilos lang siya pag sinabi ni Suni). Like, uuugh. :'''> I soooo like his character here! At naku, sa mundong ito, wala ng ganyang guy, at wawabels na lang uz na matitinong girls. Hays. Sobra yung awa ko kay Cheul-Soo kasi kinulong na nga siya, kinadenahan pa. Over lang! Kung di lang monitor yung pinapanuoran ko, baka pumasok na ako sa screen at pinagjojombagan yung mga pesteng kontrabida na mga yun. Hu!


At etong best part na ito, yung part na naggitara at kumanta si Suni sa harap ni Cheul-Soo at namangha si Cheul-Soo sa kanya. From this moment, I knew na crush ko na si Cheul-Soo aka Song Joong Ki. Ewan ko ba sa sarili ko. Lagi kong namimisinterpret yung character sa mismong gumanap. Kung totoo na lang kasi eh!! -__- Paasa naman ang movies... Sana may totoong Cheul-Soo na marunong magmahal ng labis at may katapatan. At higit sa lahat, handang maghintay kahit ilang taon man ang lumipas.... :''''> Urgh. I SO LOVE YOU CHEUL-SOO! ♥♥♥